Aabot sa higit 520,000 illegal firecrackers at pyrotechnics ang nasabat ng Philippine National Police (PNP) kasabay ng bisperas ng Bagong Taon.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, nagkakahalaga ng 2.4 million ang mga nasabat nilang ilegal na paputok at iba pang pyrotechnic devices.
Nasa 19 katao, kabilang ang dalawang menor de edad ang naaresto na may kinalaman sa illegal firecrackers at fireworks.
Sinabi ni Fajardo na ang may pinakamataas na kaso ng firecracker-related injuries ay dulot ng boga.
Nasa 7,000 boga na ang nakumpiska ng PNP.





