Aabot sa higit 61,000 international travellers ang dumating sa Pilipinas sa harap ng Christmas rush, ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Lagpas ito sa kanilang naunang pagtaya na nasa halos 50,000 average passengers.
Nitong December 23, 2025, sinabi ng BI na nakapag-proseso sila ng 49,176 international arrivals at 61,784 departures sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa buong bansa, ang kabuoang international passenger traffic ay umabot sa 61,658 arrivals at 66,655 departures.
Ang pagdagsa ng mga pasahero ay bunsod ng holiday exodus. Gayumpaman, nananatiling maayos ang airport operations sa bansa.
Samantala, nasa 132 additional immigration officers ang idineploy ssa bansa para matiyak ang maayos na operasyon sa lahat ng paliparan sa buong bansa.





