LEGAZPI CITY, ALBAY – Tinatayang nagkakahalaga ng P1,984,738.40 ang iligal na droga na nasamsam ng Police Regional Office 5 (PRO) sa ikinasa nitong Anti-Illegal Drugs Operation sa Bicol mula Enero 20-26, 2025.
Ayon sa PRO5, nasa 32 na operasyon ang ikinasa ng kanilang ahensya na nagresulta sa pagkakaaresto ng 36 indibdiwal na sangkot sa iligal na droga.
Nasa 291.355 gramo ng shabu ang nasamsam habang 29.37 gramo naman ng pinatuyong dahon ng Marijuana ang nakumpiska.
Sa nasabing bilang, Camarines Sur ang nakapagtala ng pinakamaraming nakumpiskang droga sa halagang to P1,515,412.40 sinundan ng Camarines Norte na may P226,113.60, Naga City na may P161,160.00, Albay na may P69,468.80, Masbate na may P6,800.00, at Sorsogon na may P5,464.00.
Sa Catanduanes ang may pinakamababang halaga ng iligal na droga sa P319.60.
Tiniyak ng PRO 5 na patuloy na ang kanilang kampanya kontra iligal na droga sa rehiyon para sa mapayapang komunidad.


