MASBATE – Nasabat ang nasa 25 pirasong kahoy ng narra mula sa isang lalaki sa ikinasang operasyon ng Mobo Municipal Police Station (MPS) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol sa Barangay Lalaguna, Mobo, Masbate alas-3:50 ng hapon nitong Mayo 4.
Base sa imbestigasyon, isang concerned citizen ang nagpaabot ng impormasyon sa awtoridad patungkol sa nangyayaring illegal logging sa lugar. Nang rumesponde, doon na tumambad ang narra woods na may sukat na 229.004 board feet na nagkakahalaga ng 22,900 pesos.
Ayon sa opisyal, walang maipresentang mga legal na dokumento ang suspek dahilan ng kanyang pagkaka-aresto.
Kasong paglabag sa Section 68 ng Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code of the Philippines ang kakaharapin ng suspek na nasa kustodiya ng awtoridad.






