Pinahintulutan ng korte si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na magpa-medical check up sa hospital.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera, nakatanggap sila ng court order para sa pagpapacheck-up ni Guo.
Sabi pa ni Bustinera, ang BJMP ang nag-inisyatibo lalo na at mayroong health concerns hinggil sa posibleng lung infection.
Patuloy silang nakikipag-coordinate sa ospital para sa schedule.
Si Guo ay nakadetine sa Pasig City Female Dormitory mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame nitong Setyembre.
Senate Probe
Naglabas ng kautusan ng Pasig Regional Trial Court Branch 167 na nagpapahintulot kay Guo na dumalo sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senado hinggil sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Oktubre 8, 2024.
Pinagbigyan ng korte ang hiling ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality na makadalo si Guo sa pagdinig.
Bukod kay Guo, pinayagan din ng korte ang hiling ng Senado na makadalo sa pagdinig sina:
- Jamielyn Santos Cruz
- Thelma Barrogo Laranan
- Rita Sapnu Yturralde
- Rowena Evangelista
- Rachelle Joan Malonzo Carreon
Ang mga nabanggit na pangalan ay sinasabing co-incorporators ng POGO hub sa Bamban, ayon kay Committee Chairperson, Senator Risa Hontiveros.





