ALBAY – Umarangkada na nitong Martes, Marso 06, 2024 ang Women’s Month Trade Fair ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Bicol sa Legazpi City.
Tampok dito ang iba’t-ibang livelihood products tulad ng lettuce, bread and pastries, handmade bags, pot holders, doormats at dishwashing liquid na gawa mismo ng mga Person Deprived of Liberties (PDL) mula sa iba’t-ibang jail facilities sa Albay.
Nanguna sa pagbubukas si BJMP Bicol Director Jail Chief Supt. Joel Superficial kasama ang mga warden sa buong probinsya.
Aniya, layunin ng trade fair na mabigyan ng kita ang mga PDL na hinahasa nila sa paggawa ng livelihood products kahit nasa loob ng piitan upang patuloy pa rin na makatulong sa pamilya.
Bukod pa rito, magagamit din ito ng mga PDL sa kanilang pagbabagong buhay oras na mapagbayaran na nila ang kanilang sentensya.
Dagdag pa niya, ito rin ang kanilang pakikiisa sa Women’s Month Celebration ngayong taon.
Samantala, ginanap ang trade fair sa Ayala Malls Legazpi at opisyal na nagtapos nitong Huwebes, Marso 7.




