CAMARINES SUR – Matagumpay na idinaos ng Ako Bicol Partylist at partner organizations ang ikawalong Tarabangan Caravan sa Barangay San Buenaventura, bayan ng Buhi, Camarines Sur nitong Huwebes, Mayo 23, 2024.
Higit 600 benepisyaryo ang natulungan ng Ako Bicol sa pamamagitan ng libreng medical at dental services. Makaka-access din sa iba’t ibang laboratory test gaya ng ECG, X-Ray, at CBC
Nagsagawa rin ng libreng gupit, masahe at iba pa.
Ayon kay Ako Bicol Congressman Atty. Jil Bongalon, ito na ang ikawalong Tarabangan Caravan na inilunsad ng partido ngayong taon na layuning mas mailapit sa mga mas nangangailangang Bikolano ang mga naturang serbisyo.
Samantala, naging matagumpay ang aktibidad dahil sa walang sawang suporta iba’t-ibang stakeholders tulad ng DOH Bicol, Tanchuling General Hospital, BFP, Children International Pilippines Inc., TESDA, Evegate Technical Developmet Training Academy Incorporated at iba pa.






