ALBAY – Dinagsa ng mga manonood ang isinagawang Conciertong Pasasalamat na bahagi ng pagtatapos ng Pinangat Festival nitong Lunes, Hunyo 24, 2024.
Ito ay handog ng Lokal na Pamahalaan ng Camalig sa mga Camaligueño.
Ayon kay Camalig Mayor Caloy Baldo, apat (4) na taon ring napornada ang Pinangat Festival dahil sa COVID-19 pandemic at pag-alburuto ng Bulkan Mayon kaya ikinalulugod nila na natuloy na ang pagdiriwang ngayong taon.
Tampok sa naturang konsyerto ang pagtatanghal ng Chocolate Factory at si Al James.
Nagpapasalamat si Mayor Baldo kina Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co, Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda at sa Department of Tourism (DOT) Bicol na malaki umano ang ambag sa tagumpay ng selebrasyon.






