Naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino na ang nangungunang concern ay pagtugon sa inflation at kalusugan.
Batay sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, lumalabas na 66% ang ikinokonsidera na ang pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihim ay isang urgent concern.
Kasunod nito umento sa sahod ng mga manggagawa at access sa abot-kayang pagkain (39%), paglikha ng dagdag na trabaho (33%), at pagresolba sa kahirapan (25%).
Kabilang din sa concern ng mga Pilipino ay ang pagbibigay ng libre at dekalidad na edukasyon (19%), at paglaban sa korapsyon at katiwalian sa pamahalaan (17%).
Lumalabas din sa survey na ang pagpapanatiling malusog at pag-iwas sa sakit ay kabilang sa urgent personal concerns, kasunod ng pagbibigay ng edukasyon sa mga bata, at magkaroon ng maayos na trabaho.
Isinagawa ang survey mula August 28 hanggang September 2, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents.




