Iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bahagyang tataas ang inflation para sa buwan ng Oktubre.
Ayon sa BSP, ang projecting range ay nasa 2.0 hanggang 2.8 percent.
Ang bahagyang pagtaas ng presyo ay mula sa pagtaas ng halaga ng mahahalagang food items gaya ng gulay, prutas, at isda.
Nakadagdag din sa pagtaas ng inflation ang pagmahal ng domestic peteroleum prices, at pagbaba ng halaga ng piso.
Pero makokontra naman ito sa inaasahang pagbaba ng presyo ng bigas at karne, at pagbaba ng singil sa kuryente.
Matatandaang ang inflation nitong Oktubre ay nasa 1.9 percent.



