Nakapagtala ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng 15,679 na insidente ng sunog sa bansa mula Enero 1 hanggang Disyembre 26 ngayong taon.
Nangangahulugan lamang na 20.7% ang itinaas kumpara sa 12,000 fire incidents na naitala sa bansa sa kaparehas na panahon noong 2022.
Ayon kay BFP Spokesperson Superintendent Analee Atienza, karamihan sa mga sunog ay nangyayari sa mga bahay na hindi sakop ng Fire Code.
Paliwanag pa ni Atienza, dumarating lamang ang BFP kapag ang fire safety inspections ay isinagawa sa mga bagong tayong bahay bago sila okupahan ng mga tao.
Aniya, electrical arcing, electrical ignition dulot ng loose connection at upos ng sigarilyo ang karaniwang dahilan ng sunog.
Mula December 23 hanggang Enero 1, 2023, ang BFP ay naka-Code Red kung saan naka-full force sila at handang tumugon sa ano mang insidente ng sunog.






