Itinanghal na Most Valuable Player (MVP) ng PBA Governors’ Cup Finals Series si Jayson Castro.
Matatandaang tinalo ng TNT Tropang Giga ang Barangay Ginebra sa Game 6 para depensahan ang titulo.
Si Castro ay nakapagtala ng average na 10.3 points, 3.0 rebounds, 5.1 assists. Siya ay itinuturing na oldest PBA Finals MVP sa edad na 38.
Ang dating record ay hawak ni LA Tenorio na nasungkit noong 2020 noong siya ay 36 taong gulang.
Para kay Castro, espesyal ang titulong ito.
Aniya, malaking adjustments ang ginawa ng TNT lalo na sa pagkawala ni Mikey Williams at pagpasok ni Rey Nambatac.
Ito na ang ikatlong PBA Finals MVP award ni Castro, na nakuha niya noong 2010-2011 Philippine Cup at 2011 Commissioner’s Cup.





