Pinangunahan ng Department of Agriculture (DA) Bicol ang inauguration at turn-over ng bamboo curing facility at nursery na nagkakahalaga ng P6.2 million sa farmer’s group sa Camarines Sur.
Sa panayam kay DA Bicol Spokesperson Lovella Guarin, sa tulong ng bagong pasilidad inaasahang mapapalakas ang productivity at livelihood ng Samahang Organisasyong pang Kalikasan (SOK), na may 84 na miyembro sa Munisipalidad ng Bula, Camarines Sur.
Ang mga bamboo products ng SOK ay fish cages, furniture, bonsai, lampshades, at kubo, na pangunahin nilang livelihood sources.
Ang pasilidad ay nagkakahalaga ng P4.2 million habang ang P2 million ay inilaan sa equipment na magsisilbing startup enterprise para sa naturang asosasyon.
Para naman kay SOK President Eddie Bermas, ang mga naturang makina ay makakatulong na mapabilis ang produksyon.
Plano aniya nila na mapalawak ang kanilang produkto at market, at naghayag ng kahandaang matuto mula sa DA at iba pang ahensya ng pamahalaan.





