LEGAZPI CITY, ALBAY – Iniulat ng Department of Health (DOH) Bicol na umabot na sa 417 ang kaso ng dengue na naitala sa rehiyon mula Enero hanggang Mayo 2024.
Ayon sa DOH Bicol, mas mataas ito kumpara sa mga naitalang kaso sa parehong mga buwan noong nakaraang taon na 321 lamang na kaso ng dengue ang naitala.
Naitala sa Camarines Sur ang may pinakamaraming kaso sa bilang na 154, sinundan ito ng Camarines Norte na may 98, Catanduanes na may 56, Albay na may 39 at Sorsogon na may 36.
Ang lalawigan ng Masbate naman ang may pinakamababang kaso ng dengue sa bilang na 31.
Bukod dito, apat na ang nasawi sa nasabing sakit kung saan dalawa rito ay mula sa Sorsogon, isa sa Catanduanes at Camarines Sur.
Panawagan ng DOH sa publiko na paigitingin ang mga hakbang para malabanan ang denguel tulad ng paglilinis ng kapaligiran, pagsira sa mga lugar na maaaring pamugaran ng mga lamok nang bumaba ang kaso ng dengue sa rehiyon.






