Pormal na pinasinayaan ng Pamalahaang Panlalawigan ng Camarines Norte ang kiosk para maipagmalaki ang mga produktong gawa ng Persons with Disabilities (PWDs).
Ayon kay Gov. Ricarte Padilla, ang kiosk ay bahagi ng programa na naglalayong kilalanin ang mga PWD na mahalaga sa pag-unlad ng lipunan at hindi dapat pinapabayaan.
Nangako rin si Padilla na popondohan ang programa at itatatag ang inisyatiba.
Ayon kay Dr. Rex Bernardo, ang head ng Provincial Disability Affairs Office (PDAO), ang programa ay tinatawag na Scaling-up Capacities of Community-based Enterprises for the Economic Empowerment of Persons with Disabilities, at pinondohan ng pamahalaang panlalawigan ng nasa 230,000 pesos.
Kabilang sa mga produktong tampok ay mga tote bags na gawa mismo ng mga PWDs, at plano ring maglagay ng T-shirt at mug printing.
Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagbigay ng mga sewing machines, heat press, at iba pang materyales na nagkakahalaga ng 350,000 pesos.
Tiniyak ng Project Inclusion Network na susuportahan ang pagbebenta ng tote bags sa Manila, habang nag-alok naman ng technical assistance ang Camarines Norte State College.
Kasalukuyang inaasikaso ng PDAO ang mga kinakailangang permits at tax exemptions mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) bilang pagtalima sa government regulations.
Ang kiosk ay matatagpuan sa gilid ng PDAO sa Capitol Compound.






