CATANDUANES – Sinimulan na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol na sirain ang mga nakumpiskang laboratory instruments, equipment at precursor chemicals na ginamit sa paggawa ng ilegal na droga sa isang dating shabu laboratory sa bayan ng Virac nitong Miyerkules, Mayo 29, 2024.
Bahagi ito sa pagtalima ng kagawaran sa mga nakapaloob na probisyon ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at ng Dangerous Drugs Board Regulation (DDBR) No. 1, Series of 2002.
Ginawa ang pagwasak kasunod na rin sa kautosan na ipinalabas ng Makati Regional Trial Court, Branch 63.
Pinangunahan ni PDEA Bicol Director Edgar Jubay, PNP Bicol Director Police Brigadier General Andre Dizon at Justice Assistant Secretary Ely Cruz ang aktibidad.
Ayon kay Dir. Jubay, taong 2016 nang madiskubre at salakayin ng awtoridad ang naturang shabu lab na matagal ding nag-operate sa nasabing bayan. Itinuturing din itong shabu lab sa buong Pilipinas kung saan kaya di umano nitong makagawa ng 500 kilo ng shabu sa loob ng limang (5) araw.
Bukod sa mga kagamitan, nakatakda ring gibain ang gusali upang hinda na ito magamit pa.






