Nasa 23 motorist assistance centers (MACs) ang naka-activate ngayong sa Maharlika Highways national road para umalalay sa mga biyahero patungo sa mga probinsya ngayong Undas.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 5 Regional Director Virgilio Eduarte, inatasan ang 16 district engineering offices (DEOs) na mag-deploy ng mga personnel para tiyakin ang national road network accessibility.
Ang annual “Lakbay Alalay” ay magpapatuloy hanggang ngayong araw, Nobyembre 2, 2024 sa mga strategic locations sa rehiyon.
Ang mga MAC ay matatagupan sa Legazpi City, Daraga, at Ligao City sa Albay; Labo at Daet sa Camarines Norte; Sipocot, Pamplona, Naga City, Tigaon at Baao sa Camarines Sur; Bato, San Andres at Virac sa Catanduanes; Sorsogon City at Irosin sa Sorsogon; Placer, Milagros at Dimasalang sa Masbate.
Patuloy ang DPWH Bicol sa pag-mobilize ng regionwide assistance para sa malawak na rescue, clearing, transport assistance, at relief operations sa iba’t ibang lokal na pamahalaan, at iba pang ahensya kasunod ng pananalasa ng Bagyong Kristine.




