MASBATE – Nakapiit na ang isang lalaki matapos makuhaan ng hindi lisensyadong baril at mga bala sa isinasagawang search warrant operation ng Mandaon Municipal Police Station (MPS) at Masbate 1st Provincial Mobile Force Company nitong Hunyo 29, 2024.
Kinilala ang suspek na si Tommy Fines, 45-anyos, at nabawi sa kanya ang kalibre .45 pistol at dalawang magazines na puno ng mga bala.
Ayon kay Police Colonel Leane Van De Velde, ang Provincial Director ng Masbate Police Provincial Office, isang concerned citizen ang nakapagbigay sa kanila ng tip na nagmamay-ari ng illegal firearms ang suspek.
Hunyo 25 nang simulant ng mga awtoridad ang pagmanman sa suspek.
Kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isinampa laban sa suspek.






