Sa ikalimang pagkakataon, balik-kulungan muli ang isang 36-anyos na lalaki matapos magnakaw sa isang bahay sa 1st St. Sister Therese, Immaculate Heart of Mary Village, Concepcion Pequeña, Naga City nitong Lunes, Marso 25.
Kinilala ni PMAJ. Juvy Llunar ang Station Commander ng Naga City Police Station 2 ang suspek na si Alvin Bernardo na residente ng naturang lungsod.
Base sa impormasyon, madaling araw nitong Lunes nang makatanggap ng tawag ang naturang himpilan patungkol sa insidente ng pagnanakaw kung saan sapul sa CCTV ng bahay ang suspek.
Sa follow-up investigation at pursuit operation, agad na nakilala ang suspek at naaresto malapit sa boundary ng bayan ng Pili parehong probinsiya.
Theft at roberry ang mga dating kaso ng suspek, ngunit agad naman itong nakakalabas ng kulungan matapos na makapagpiyansa.
Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga pa ng awtoridad ang suspek na nahaharap muli sa kasong roberry.






