ALBAY – Patay ang isang menor de edad na lalaki makaraang pagbabarilin sa harap ng isang punerarya sa Barangay 3, Pio Duran, Albay pasado alas-8:00 ng gabi nitong Mayo 27.
Ayon kay PEMS Jose Ronnue Jeronimo ang Deputy Chief Investigator ng Pio Duran, nakaupo lamang ang hindi nang pinangalanang biktima sa naturang lugar nang bigla lamang siyang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek.
Isinugod ang biktima sa ospital pero idineklarang dead on arrival dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Isa sa tinitingnang motibo sa pamamaril ang tinatawag na “Ridu” ng mga muslim o away ng mga angkan.
Alinsunod sa tradisyon ng mga muslim ay hindi na ipinasailalim pa sa awtopsiya ang mga labi biktima.
Sa kasalukuyan, may person of interest nang binabantayan ang pulisya na tinuturong salarin ng isang eye witness.





