ALBAY – Nasa limang daan (500) senior citizens ang nakapag-avail sa libreng gupit, hot oil treatments, facials, manicure at pedicure na alok ng Lokal na Pamahalaan ng Camalig sa mga lolo at lola ng bayan na ginawa sa Bungkaras Gymnasium sa Barangay 2, Camalig , Albay nitong Huwebes, Hunyo 13, 2024.
Ayon kay Camalig Mayor Caloy Baldo, ang aktibidad ay bahagi ng kanilang selebrasyon ng Pinangat Festival ngayong taon na may temang: ” Tara, Magpagayon Kita, Libre man sana”.
Ito rin ang kanilang paraan ng pasasalamat sa mga naging ambag ng kanilang senior citizens sa kanilang bayan.
Samantala, plano ng alkalde na gawin na ito taon-taon.






