ALBAY – Opisyal nang iturn-over ang Solar-Powered Water Supply System project ng Ako Bicol Partylist sa Barangay Libjo at Barangay Coro-Coro sa bayan ng Tiwi nitong Mayo 30, 2024.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Representative Attorney Jil Bongalon, pinakamalaking hamon para sa partido ang naturang proyekto pero dahil sa pagnanais na mabigyan ang bawat Bicolano ng malinis at libreng supply ng tubig, ay patuloy silang nagsusumikap na ito ay maisakatuparan.
Para kay Punong Barangya Reynaldo Cuebillas, malaking tulong ito sa kanila, maging ang mga katabi nilang barangay na problema rin sa tubig ay tiyak na makikinabang din sa proyekto.
Higit 500 pamilya sa Barangay Coro-Coro ang makikinabang sa proyekto ng Ako Bicol.
Sa kasalukuyan, ito na ang ika-tatlong Solar Powered Water Supply System Project ng Ako Bicol Partylist sa bayan at ika-39 sa Bicol Region.






