CAMARINES SUR – Nasa higit 100 benepisyaryo ang nahandugan ng libreng skills training ng Technical Education and Skills and Development Authority (TESDA) sa Barangay San Buenaventura, Buhi, Camarines Sur, nitong Huwebes, Mayo 23.
Ayon kay Manny Azusano, ang focal person ng Ako Bicol Partylist sa Technical and Vocational Education Training (TVET) patuloy na isinasagawa ng partido ang naturang aktibidad dahil sa layuning tulungan at mabigyan ng pagkakakitaan ang mga nangangailangang Bikolano.
Pinagpapasalamat ng Vocational School Suprintendent ng Camarines Sur Institute of Fisheries and Marine Sciences-TESDA na si Dr. Rita Obsequio ang suportang patuloy na ibinabahagi sa kanila ng partido.
Samantala, nagsagawa rin ng Demo Training sa small engine maintenance, solar installation, at domestic appliance.






