DEL GALLEGO, CAMARINES SUR – Sugatan ang limang sakay ng van matapos mahulog ang kanilang sinasakyan sa bahagi ng Barangay Magais, Del Gallego, Camarines Sur kaninang alas-5:00 ng madaling araw, Nobyembre 28, 2023.
Ayon sa inisyal na impormasyon, nakatulog umano ang driver ng van habang nagmamaneho na nagresulta sa kanilang pagkahulog.
dalawa sa limang sugatan ang nagtamo ng malalang injuries sa kanilang mga katawan habang ang tatlong iba pa ay minor injuries lamang.
Agad naman nirespondehan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Del Gallego kasama ang lokal na kapulisan at MDRRMO ang aksidente para mabigyang paunang-lunas ang mga biktima bago idala sa ospital.








