CAMARINES NORTE – Kulong ang bagsak ng maglive-in partner matapos arestuhin ng mga tauhan ng Daet Municipal Police Station (MPS) dahil sa kasong adultery sa bayan ng Daet nitong Miyerkules, Hunyo 5, 2024.
Sa pinagsanib pwersa ng Daet MPS at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nahuli ang mga akusadong sina alyas “Roy” 44-anyos, at alyas “Gina” 37-anyos sa kanilang bahay sa Barangay Gahonon.
Inaresto ang dalawa sa bisa ng warrant of arrest ng Daet Municipal Trial Court (MTC) Branch 1 kung saan 36,000 pesos ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan.






