Inabisuhan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang House Committee on Good Government and Public Accountability na wala silang record ni Mary Grace Piattos sa kanilang database.
Sa sulat na ipinadala kay House Panel Chairperson Rep. Joel Chua, ipinadala ni National Statistician at Civil Registrar General Claire Dennis Mapa ang certification na nagsasabing walang certificate of live birth (COLB) ang “Piattos”, certificate of marriage (COM), at certificate of death (COD) sa kanilang database.
Inisyu ang certification noong November 25 at natanggap ng opisina ni Chua nitong Lunes, December 02, 2024.
Baganat walang record ng database sa PSA ang pangalang “Mary Grace Piattos”, sinabi ni Mapa na maaari pang manaliksik ang kanilang opisina kung mayroong additional information tulad ng pangalan ng mga magulang, at petsa at lugar ng mahahalagang pangyayari.




