Mas maraming household beneficiaries ang mapapabilang para sa Walang Gutong Food Stamp Program (FSP) para sa susunod na taon.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol Regional Director Norman Laurio, mula sa 30,500 beneficiaries para sa taong 2024, itataas nila ito sa 70,000 pamilya sa 2025.
Aniya, ang 30,500 na pamilya ngayong taon ay nagmula sa dalawang lalawigan, ang Camarines Sur at Sorsogon.
Pero sa 2025, ang 70,000 pamilya ay magmumula na sa anim na probinsya sa Bicol Region.
Sa kanyang pagbisita sa Camarines Sur, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, makakatulong ang programa na mabigyan ang mga pamilya ng access sa masustansyang pagkain sa pamamagitan ng food credit assistance gamit ang electronic benefit transfer (EBT) card pre-loaded ng food credits na nagkakahalaga ng 3,000 kada buwan.
Ang food credits ay maaaring gamiting pambili ng iba’t ibang masustansyang pagkain mula sa three food groups na binubuo ng 50-percent carbohydrates (Go food), 30-percent protein (Grow food), at 20-percent fiber (Glow) mula sa DSWD-accredited stores.
Ang mga benepisyaryo ay pinipili sa pamamagitan ng Listahanan 2019.





