Hindi na nire-require ng Department of Health (DOH) ang mga senior citizen na ipakita ang kanilang purchase booklets para ma-avail ang 20-porsyentong diskwento sa gamot at medical devices.
Ito ay matapos mag-isyu si Health Secretary Ted Herbosa ng Administrative Order (AO) No. 2024-0017 na nag-aamiyenda sa dalawang administrative orders na nagbibigay ng guidelines sa Republic Act No. 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Sa bagong AO, inaalis na nito ang probisyon ng mga dating kautusan kung saan kinakailangan ng mga senior na iprisenta ang kanilang purchase booklets kapag bibili ng prescription medicines, over-the-counter medicines, at medical devices.
“The Department recognizes that requiring senior citizens to present purchase booklets during every transaction to avail the 20% discount in the purchase of medicines results in undue burden and difficulties,” batay sa bagong AO.





