Nagpaalala ang Philippine Statistics Authority (PSA) na dapat tanggapin ng financial institutions na pinangangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang National IDs kahit walang pirma.
Sa statement, sinabi ng PSA na maaaring gamitin ng financial institutions ang QC codes na nakalagay sa IDs at kanilang electronic counterpars (ePhilID) sa pamamagitan ng PhilSys Check para sa authentication sa halip na dumepende sa pirma na maaaring mapeke o magaya.
Batay sa Memorandum No. 2024-006 na inisyu ng BSP, na ang national IDs ay dapat tanggapin bilang valid at sufficient proof of identity.
Ang mga impormasyong nakapaloob sa QC code ay dapat mag-match sa impormasyong naka-imprenta sa mukha ng ID para maberipika ang pagkakakilanlan ng tao at kung tunay ang card.
Nakasaad din sa naturang memoranda, inaatasan ng BSP ang mga bangko na isama ang national IDs bilang official government-issued ID, sa listahan ng mga acceptable valid IDs.
Sa datos ng PSA nitong Pebrero, kabuoang 48,415,248 national IDs na ang nai-deliver sa mga rehistradong indibiduwal sa iba’t ibang bahagi ng bansa.



