ALBAY – Sumailalim sa orientation ng programang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol at Ako Bicol Partylist ang mga benepisyaryo sa bayan ng Tiwi, Albay nitong May 10, 2024.
Ang mga benepisyaryo ay mga residente mula sa mga barangay ng Sugod, Bagumbayan, San Bernando, Misibis, Mayong, Baybay, Oyama, Barangay Libjo, Tigbi, Gajo, Cararayan, Bolo, at Libtong.
Kabuoang 1,244 benepisyaryo ang makakatanggap ng 3, 950 pesos na sweldo matapos ang 10 araw na paglilinis sa barangay o community service.
Ilan sa mga napiling benepisyaryo ay mga magbababoy na apektado ng African Swine Fever (ASF).
Layunin ng programang, mabigyan ng dagdag na kita ang mga mahihirap na Bicolanong pamilya lalo na ang mga walang hanap-buhay.






