MASBATE – Nanaig ang galing ng mga Bikolano sa larangan ng boxing.
Ito ay matapos maiuwi ni Jeo “Santino” Santisima ang WBC Asia Continental Super Featherweight title sa “Bakbakan sa Masbate 2” nitong Hunyo 22, 2024 sa bayan ng Cataingan.
Bukod dito, pinaglabanan din ang titulong WBF International Superflyweight, WBC Asia, at Philippine Featherweight.
Tinapos ni Santisima ang laban sa 4th round via knockout sa loob ng 2:01.
Ito na ang kaniyang ika-24 panalo, 20 knockouts at 7 talo.
Ayon kay Governor Antonio Kho, bahagi ang aktibidad sa selebrasyon nila ng Bagat-Dagat Festival 2024 na layong maipakita ang tibay ng mga Pilipino sa boxing lalo na ng mga Bikolanong atleta.
Nakibahagi rin sa aktibidad si Ako Bicol Partylist at House Appropriations Committee Chairman Zaldy Co para ipakita ang suporta sa naturang torneyo.






