ALBAY – Pormal na nakatanggap ng tulong ang mga estudyanteng benepisyaryo mula sa bayan ng Bacacay at Lungsod ng Tabaco sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Ako Bicol Partylist at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nasa 600 senior high school students ang tumanggap ng payout na idinaos sa San Pedro Community College habang dagdag na 600 senior high school students din ang natulungan mula sa Tabaco National High School sa Tabaco City.
Ayon kay Bacacay Mayor Edsel Bellaza, malaking pakinabang ang ayudang ito lalo na sa mga kwalipikadong mamamayan nila na talagang pursigido sa kanilang pag-aaral.
Tiniyak ng Ako Bicol na patuloy nilang ipa-prayoridad ang sektor ng edukasyon na susi upang makabangon sa kahirapan ang kanilang mga kababayan.






