LEGAZPI CITY, ALBAY – Naging matagumpay ang Quarterfinals ng Ako Bicol: Orogmahan Karantahan asin Tarabangan (OKT) Season 10 sa Albay nitong Sabado, Hunyo 29, 2024 na idinaos sa LCC Mall.
Hinati sa tatlong (3) kategorya ang kompetisyon, may pang bata, pang-adult at Pwede Pa Kami category.
Angat sa Kids category ang 12-anyos na si Krizzie Zhine Nacion ng Inamnam Grande, Guinobatan, Albay. Angat naman ang 33-anyos na si Arjay Vasquez ng Oas, Albay sa Adult category habang sa Pwede pa Kami category panalo ang ang 41-anyos na si Junielyn Mengorio ng Barangay Panso, Polangui, Albay.
Ayon kay Rosalie Luces ang Media Relations Officer at ang Project Director ng nasabing kompetisyon, bukod sa Albay, dinala rin nila ang OKT sa lima (5) pang probinsya ng rehiyon.
Samantala, ang mga hindi naman pinalad sa Quarter Finals ay maglalabanlaban pa sa Wild Card at sasalang sa Semi Finals sa darating na Agusto sa lungsod ng Legazpi kung saan makakatunggali nila ang iba pang Quarterfinalists mula sa iba pang mga probinsya sa rehiyon.
Nakatakdang gawin ang Grand Finals sa darating na Setyembre sa Lungsod ng Naga.






