Hinihikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga consumers na isumbong sa kanila kung sakaling nalabag ng mga online sellers ang kanilang karapatan.
Ayon kay DTI Senior Industry Specialist Malou Pasobillo, nakikipagtulungan ang kanilang ahensya sa iba pang tanggapan tulad ng Anti-Cybercrime Group of the Philippine National Police (PNP) at Office of the Cybercrime ng National Bureau of Investigation (NBI) para malabanan ng online fraud.
Dagdag pa ni Pasobillo, inire-regulate ng DTI ang paggamit ng internet para sa e-commerce, at nakikipagtulungan sila sa iba pang ahensya ng gobyerno para maipatupad ito.
Ang karapatan ng consumers ay nakamandato sa ilalim ng Republic Act 7394 o Consumer Act.
Nakasaad din sa batas ang responsibilidad at pananagutan ng mga producers, manufacturers, distributors, suppliers, o sellers at pinapatawan ng parusang pagkakakulong at multa.
Sa ilalim ng batas, karapatan ng isang consumer sa abot-kayang presyo at magandang kalidad at ligtas na mga produkto, maging sa product at service warranties.
Karapatan din ng konsumidor na protektahan ang sarili mula sa mga mislabeled food o products.
Ang sino mang lalabag ay maaaring pagmultahin ng hanggang 10,000 o pagkakakulong ng hanggang isang tao depende sa hatol ng korte.
Nitong 2022, ang Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) ay nakatanggap ng kabuoang 27,947 complaints, kung saan 12,170 o 44% ay may kinalaman sa online transactions.
Kabilang sa mga inirereklamo ay online scams, mga nagpapanggap na legitimate merchants, hindi rehistradong sales promotions, malisyosong online shopping sites, at pyramiding.
Nabatid na isinabatas na ang RA 11967 o Internet Transaction Act o RA 11967 para protektahan ang mga consumers at merchants sa online transactions.
Itinatatag nito ang e-Commerce Bureau, na siyang maghahawak at mangangasiwa ng mga reklamo mula sa online transactions at sinisiguro na ang mga digital platforms at online merchants at nakarehistro sa kawanihan.
Para makapaghain ng consumer complaint laban sa online seller, maaaring magpadala ng complaints sa DTI Fair-Trade Enforcement Bureau sa fteb@dti.gov.ph




