ALBAY – Nag-unahan sa finish line ang mga mister pero ‘with a twist’. Ito ay habang pasan-pasan nila ang kanilang mga misis.
Ginanap ito sa “Agong ko, Baktot ko” sa Barangay Muladbucad Grande sa bayan ng Guinobatan Albay nitong Hunyo 22, 2024.
Sa game mechanics, nasa 400-metro ang tatakbuhin ni mister habang nakapasan sa kanya si misis at ang unang makakarating sa finish line ay tatanghaling kampeon.
Sa naging karera, kinilala bilang kampyon ang pinakabatang pares at mag live in partner na sina Kyla Nicole Camaclang, 21 anyos at Raymond Bongol, 22 anyos na masayang nag-uwi ng isang sako ng bigas at 1,000 pesos.
Ayon sa Barangay Chairman ng lugar na si Henry Racadag, bahagi ang aktibidad sa pista ng kanilang lugar na layuning makapagbigay ng kasiyahan sa mga residente at mas maging matatag pa ang pagsasama ng bawat pares.
Ito pinakaunang beses na nagkaroon ng ganitong aktibidad sa Barangay Muladbucad Grande, at plano itong gawin na taon-taon.






