Naghatid ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 5 ng assistance na nagkakahalaga ng 100,000 sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Bagumbayan, Daraga, Albay nitong Miyerkules, Abril 9, 2025.
Ayon kay DSWD 5 Director Norman Laurio, naghatid ang kanilang Disaster Response Management Division ng food at non-food relief items, tulad ng hygiene kits, kitchen kits, family kits, sleeping kits, collapsible water containers, six-liter bottled water, at laminated sacks sa limang apektadong pamilya.
Nagbigay din ang DSWD 5 ng relief assistance para tulungan ang mga pamilya na maproseso ang mga documentary requirements para sa financial assistance na nagkakahalaga ng tig-P10,000 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Nakipag-coordinate na ang DSWD 5 sa lokal na pamahalaan ng Daraga at iba pang National Government Agencies para matiyak na maibibigay ang suporta sa mga apektadong pamilya.




