Nanawagan ang Department of National Defense (DND) sa Estados Unidos na imbestigahan ang mga taong nasa likod ng malisyoso at pekeng video ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Ito ay ipinalabas sa harap ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Los Angeles, California.
Ang video ay pinamagatang “pulvoronic video’ na inere sa “Maisug” rally na dinaluhan ng mga taga-suporta ni Duterte.
Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong, ang naturang video ay nagpapakita ng pagtatangkang sirian ang administrasyon, pero hindi sila magtatagumpay.
Dagdag pa ni Andolong, ang pagpapalabas ng video sa US ay kaduwagan para makatakas sa Philippine Criminal Jurisdiction.






