CATANDUANES – Nakaboto muli matapos ang 13 taon ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Virac, maagang bumoto ang mga PDL ng Virac District Jail kung saan sila ay sinamahan ng mga tauhan ng BJMP sa mga barangay at community precincts.
Ang mga PDL ay mga rehistradong botante na may nakabinbing kaso at hindi pa nahahatulan.
Ang hakbang na ito ay naglalayong isulong ang inclusivity at palawaking ang access sa pagboto ng iba’t ibang sektor.
Nabatid na higit 3,000 PDL sa bansa ang inaasahang boboto ngayong BSKE.






