Naghatid ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa mga residenteng nawalan ng tirahan dahil sa nangyaring sunog nitong Araw ng Pasko sa Purok 8, Barangay Nursery, Lungsod ng Masbate.
Ayon sa DSWD Bicol, aabot sa 11 pamilya ang naapektuhan ng sunog kung saan walong pamilya o 47 indibiduwal ang nawalan ng tirahan.
Sa pangunguna ni Regional Director Norman Laurio, binigyan ang mga apektadong pamilya ng dalawang family food packs (FFPs), non-food relief items kabilang na ang hygiene kit, sleeping kit, family kit, at kitchen kit.
Bukod sa ahensya, ang lokal na pamahalaan din ng Masbate ay naghatid din ng tulong sa mga nasunugan.
Lumalabas sa paunang imbestigasyon na napabayaang kandila ang naging mitsa ng sunog.






