CAMARINES SUR – Arestado ang isang miyembro ng Civil Security Unit sa Iriga City Hall sa isinagawang buy-bust operations sa Barangay Sta. Cruz, Lungsod ng Iriga gabi nitong Sabado, Hunyo 29, 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Dominic”, 56-anyos, residente ng Brgy. San Francisco sa parehong lungsod.
Napagbentahan ng suspek ang isang police poseur buyer ng isang pirasong heat-sealed transparent platic sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng 4,000 pesos.
Nakumpiska rin mula sa suspek ang isang coin purse na naglalaman ng isa pang heat-sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa 12 gramo na may street value na 200,000 pesos, at 1,000 pesos na buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.






