ALBAY – Pormal nang itinurn-over sa pamunuan ng San Antonio Elementary School sa Barangay San Antonio, Tabaco City ang bagong Multi-Purpose Covered Court na proyekto ng Ako Bicol Partylist.
Magugunitang Setyembre noong nakaraang taon nang simulan ang konstruksyon at tuluyan itong natapos ngayong taon.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Congressman Atty. Jil Bongalon, nasa 10 milyong piso ang inilaan nilang pondo sa proyekto.
Aniya, malaki ang maitutulong ng Multi-Purpose Covered Court lalo na sa mga malalaking aktibidad o pagtitipon na gagawin sa kanilang paaralan lalo na ngayong graduation season.
Bukod ditto, mayroong 10 milyong pisong pondo ang inilaan sa Tabaco City Schools Division na gagamitin sa Maintenance and Other Operation Expenses (MOOE) ng mga sakop nitong paaralan.
Samantala, target rin ng partido na mag-donate ng mga school supplies, laptops at iba pang importanteng gamit sa mga paaralan sa darating na school year sa buong rehiyon.






