Nagpaalala ang National Police Commission (Napolcom) Bicol sa kanilang mga aplikante nito na huwag magpa-tattoo.
Ayon kay Napolcom Director Atty. Manuel Pontanal, hindi pinahihintulutan ng kanilang opisina ang pagkakaroon ng tattoo ng mga kapulisan.
Layunin nitong mapanatili ang magandang imahe ng Pambansang Pulisya bilang mga tagapagpatupad ng batas.
Dagdag pa niya, mahalagang pakatandaan ng mga aplikante ang paalalang ito lalo na at mas mahigpit ang recruitment ngayon sa pagkapulis.
Maigi rin daw na walang tattoo ang police personnel dahil mas kaaya-aya silang tingnan lalo na kapag sila ay nakasuot ng uniporme.
Nakatakda ngayong Hunyo ang Philippine National Police (PNP) Entrance o PNPE at Promotional Examination o PROMEX kung saan binuksan ang naturang aplikasyon nitong Mayo 6-10.





