MASBATE – Palutang-lutang sa dagat nang matagpuan ang bangkay ng mangingisdang unang napaulat na nahulog sa bangka sa Barangay Dacu, bayan ng Mobo nitong Hunyo 05, 2024.
Ayon sa Deputy Chief of Police ng Mobo Municipal Police Station (MPS) na si PEMS Darrios Capile, natagpuan nitong Martes, Hunyo 11, 2024 ng isang mangingisda ang 19-anyos na biktimang si Arnes Dave Mejares 20-50 metrong layo mula sa baybayin.
Nasa state of decomposition na ang katawan ng biktima ng matagpuan.
Matatandaang nakaramdam ng pagkahilo ang biktima matapos kumain ng kinilaw na isda na nauwi sa kaniyang pagkakahulog sa bangka.
Pauwi na sana galing sa pangingisda ang biktima kasama ang iba pang mangingisda ng mangyari ang insidente.






