Nananatiling naka-heightened alert ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasabay ng pagpasok ng Bagyong Marce sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay NDRRMC Chairperson and Defense Chief Gilberto Teodoro, patuloy na naka-alerto ang mga kaukulang ahensya.
Nagdagdag na rin ang NDRRMC ng food at non-food relief items para sa mga biktima ng nagdaang bagyong Kristine at Leon.
Una nang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na prayoridad ng pamahalaan na tulungan ang mga biktima ng kalamidad.
Nangako rin ang pangulo na palalakasin ang local disastern risk reduction and response.






