Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa lahat ng public at private elementary at secondary schools na wala dapat kinokoletang fee mula sa mga estudyante o guro.
Batay sa DepEd Memorandum No. 41, s. 2024, “Reiteration of the ‘No Collection Policy’ in Schools” ipinaliwanag ni Education Sec. Sonny Angara na ang pagbebenta ng tickets at pangongolekta ng kontribusyon sa mga estudyante, at guro ay mahigpit na ipinagbabawal.
Sakop nito ang ano mang proyekto, boluntaryo man o hindi.
Gayumpaman, exempted sa polisiya ang membership fees para sa Red Cross, Girl Scouts of the Philippines at Boy Scouts of the Philippines.
Hindi rin sakop ng polisiya ang kontribusyon mula sa mga magulang at iba pang donor para suportahan ang barrio high schools.
Sa ilalim ng Republic Act 4206, maaaring maparusahan sa pamamagitan ng multa at kulong na hanggang isang buwan ang sino mang lalabag sa batas.





