ALBAY – Pormal na inilunsad ng Land Transportation Office (LTO) ang ‘No Registration, No Travel’ policy.
Nitong Pebrero 01, 2024 nang simulant ng LTO Tabaco ang paglalatag ng checkpoint sa harap ng Malilipot Municipal Police Station (MPS).
Ayon sa LTO, layunin ng kanilang kampanya na maidisiplina ang mga motorista.
Sa tulong din ng naturang polisiya, mapipigilan ang mga kolorum na sasakyan sa pamamasada na isa sa matinding kakompetensya ng mga ligal na kumakayod sa kalsada. Malaking tulong din ito sa pagsugpo ng kriminalidad.
Samantala, pagmumultahin ng nasa 5,000 pesos ang sino mang motoristang rehistrado nga ang gamit na sasakyan ngunit hindi naman nakakabit ang plaka. 10,000 pesos naman ang multa sa mga motoristang nagmamaneho ng hindi rehistradong sasakyan.






