Ipinagpaliban ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang double-header games bukas, Nobyembre 09, 2025 dahil sa banta ng Bagyong Uwan.
Inanunsyo ng PBA ito sa laban sa pagitan ng nangungunang TNT at Magnolia, at harapang Barangay Ginebra at Titan Ultra bilang paghahanda sa harap ng papalapit na bagyo.
Gaganapin sana ang double-header sa Ynares Montalban tampok ang Tropang Giga na may apat na winning streak matapos talunin ang Converge, Titan Ultra, Meralco, at Terrafirma.
Umaasa naman ang Hotshots na makakabangon mula sa pagkalugmok nito mula sa San Miguel.
Kaugnay nito, sinuspinde rin ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP) ang lahat ng events nito bukas, November 09, 2025 dahil din sa bagyo.
Sa statement, sinabi ng UAAP na lahat ng basketball, men’s football, at high school volleyball games na itinakda sana bukas ay ipagpapaliban.
Kabilang na rito ang laban sa pagitan ng Ateno de Manila University (ADMU) at De La Salle University (DLSU), at Far Eastern University (FEU), at University of Santo Tomas (UST).
Samantala, ipinagpaliban din ng National Collegiate Athletics Association (NCAA) ang lahat ng events din nito bukas, Nobyembre 09, 2025 dahil din sa banta ng bagyo.
Kinakansela ng NCAA ang dalawang laro nito na gaganapin sa Mall of Asia Arena, kung saan maghaharap sana ang Mapua University at Arellano University, at ang De La Salle College of Saint Benilde na lalaban kontra sa Emilio Aguinaldo College.
Bukod sa seniors basketball games, ipinagpaliban din ang juniors basketball games, at chess event.








