Angat na naman ang galing ng mga Bicolano matapos maitampok sa Annual Visual Arts Exhibition sa Dubai World Trade Center sa United Arab Emirates (UAE) ang obra ng isang visual artist na tubong Masbate.
Ayon sa 25-anyos na si John Paul Selencio, ang artwork niyang “Paglaom sa Pagasa” ang ipinasa niyang entry.
Sinubukan ni Selencio na sumali sa aktibidad at hindi niya inaasahang papalarin siya at mapabilang sa Top 25 Artists para makapag-exhibit kung saan siya lamang ang nag-iisang Bicolano.
Isang taon pa lamang na nakikipagsapalaran sa Dubai si Selencio na nagtatrabaho bilang bilang florist at balloon artist.
Bukod dito, si Selencio au isang drummer at painter din.
Ang aktibidad ay bahagi ng ika-126 na anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas na inorganisa ng grupo ng mga Filipino artists na Fil Arts Guild na naka-base sa UAE na layong maipakita ang talento ng mga OFW sa sining.






