Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng ‘Oplan Baklas’ o pagtatanggal ng illegal campaign materials kasabay ng pagsisimula ng pangangampanya ng mga lokal na kandidato ngayong Biyernes, Marso 28, 2025.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, maraming na-monitor ang mga awtoridad na campaign materials na lumalabag sa patakaran ng poll body.
Nanawagan si Garcia sa mga kandidato na magkaroon ng inisyatibo o pagkukusa na tanggalin ang illegal campaign materials upang makatuon ang Comelec at iba pang kaukulang ahensya sa ibang trabaho.




