LEGAZPI CITY, ALBAY – Bilang pakikisa sa International Day for the Elimination of Violance against Women, inilunsad ang Department of Tourism (DOT) Region V ang 18-araw na kampanya hinggil dito sa makasaysayang Battle of Legazpi Pylon sa Rotonda, Lungsod ng Legazpi nitong Sabado, Nobyembre 25.
Ang kampanya ay binansagang “Orange your Icon” kung saan paiilawan o papalamutian ng kulay kahel o orange ang mga significant landmarks bilang bahagi ng collective effort para mawakasan ang gender-based violence at pagsulong ng VAWC-free society.
Pinili ang Battle of Legazpi Paylon bilang campaign launching venue dahil sumimbulo ito ng katatagan, katapangan, at determinasyon ng Mamamayang Pilipino sa harap ng ano mang suliranin.
Ito rin ay ikinokonsiderang national historical sites sa Pilipinas at itinuturing na memorial ng Manila-based National Historical Institute noong 2001 dahil sa magiting na paglaban ng mga Albayano labna sa mga Amerikanong mananakop.
Nagkaroon din ng sabay-sabay na pag-ilaw sa iba’t ibang cultural heritages at locations sa Bicol tulad ng Provincial Capitol Buildings sa Camarines Norte at Albay, at Cagsawa Ruins Park sa Daraga, Albay.
Sa ilalim ng Republic Act 10393, idinedeklara ang November 25 kada taon bilang National Consciousness Day for the Elimination of VAWC.






